Playlist

Sunday, January 25, 2015

 Sa Aking Pagtatapos

Ang araw ng pagtatapos ay ang araw kung saan binibigyang parangal ang mga estudyanteng maluwalhating nakapagtapos sa pag-aaral. Ito ay pagpapatunay ng kanilang napagtagumpayan sa loob ng ilang taon ng pagsisikap at pagbubunyi. Ito ay masaya dahil sa wakas makikita na rin ang bunga ng ilang taong paghihirap at pagsisikap sa pag-aaral. Ang araw na iyon ay simula ng panibagong kabanata sa buhay ng isang mag-aaral tungo sa mas malawak pang karanasan. Kaya bilang isang mag-aaral, magiging isang napakagandang karanasan para sa akin ang makapagtapos sa sekundarya.
            Sa pagtatapos ng aking paglalakbay sa sekundarya, hindi ko maiiwasan ang mapaisip kung anong klaseng buhay ang naghihintay sa akin sa kolehiyo. Kahit ako man ay nagagalak at nasasabik sa pagkakataong ito. Parang hindi pa rin ako handa.Sa apat na taon, natuklasan ko ang kagandahan o importansya ng pag-aaral. Kasama ng saya, hirap at mga pagsubok sa buhay ng isang mag-aaral. Masarap balikan ang mga panahong inilagi ko sa apat na sulok ng aking paaralan. Mga karanasan kung saan napabuti ako at napasama ay nagdulot pa din ng matinding pagbabago  sa buhay ko. Sa pamamalagi ko dito nakasalumuha ko ang halos lahat ng estudyante. May kanya kanya silang katangian, iba’t iba kami ngunit nagbuklod kami bilang isang magkakaibigan.Kung iisipin;Ilang beses na ba kong tumawa, nadapa at bumangon sa loob ng apat na taon? Ilang beses na ba kong napahiya sa harap ng maraming tao? Ilang beses ba kong napagalitan ng mga teachers ko? Ilang pad ba ng intermediate paper ang binili at pinamigay ko lang sa mga kaklase kong di marunong magdala ng papel? Ilang beses ba kong nangopya at nagpakopya tuwing may quiz at seatwork kami? Ilang kaklase ko din kaya ang aking napagtripan, nagalit at natuwa sa ginawa ko? Ilang beses na din ba kaming magpasa ng late na project? Ilang beses na din ba kaming hindi gumawa ng takdang- aralin? Napakarami ko nga talagang nagawang kalokohan. Ito ay iilan lamang sa Mga karanasang tumulong sa akin para matutong lumaban at ipagtanggol ang mga ilang prinsipyo ko sa buhay.
           
            Natuto akong magpahalaga ng mga taong karapat-dapat sa pagpapahalaga ko. Natuto akong makipaglaban at makipagaway para sa mga taong tinuturing kong kaibigan. Minsan naiisip ko kung ilang klase ba ng pagkatao ko ang naipakita ko sa mga taong nakasalamuha ko sa loob ng apat na taon. Aminado naman ako na may mga tao akong nasaktan sa mga panahong iyon. Mga taong nagawan ko ng kasalanan. Di naman maiiwasan ang pag-aaway sa buhay ng isang estudyante di ba? Dahil para sakin ang mga naranasan naming pag aaway ay ang pagsubok sa katatagan naming bilang isang magkaibigan. Sa ilang taon ko dito, aminado akong nagkaroon ako ng mga mabubuting kaibigan na palaging nakasuporta sakin. Mga kaibigang handang ipaintindi ang mga bagay bagay na di ko lubos maintindihan.

Ang rurok ng aking pagtatagumpay ay utang ko sa mga taong nagbigay importansya sa akin. Katulad ng aking mga guro, na walang pagod at nagtyaga na magturo sa amin kahit na kami ay sobrang pasaway, ingay, gulo at kulit pero kahit na ganoon kami ay mahal na mahal namin sila. Napakaswerte namin na magkaroon ng mga butihing guro na nagging pangalawang ina na namin. Ano na lang kami kung wala sila? Paniguradong di kami makakapagtapos kung wala sila. Di man sila ang tunay kong mga magulang pero tinuturing ko sila bilang aking pamilya na gumagabay sakin araw-araw. Hindi nagsasawang magbigay ng payo kapag kailangan. Isa na rin sa nagbigay importansya sakin ay ang aking pinakamamahal na pamilya. Hindi ko man sila nakakasama buong araw ay palagi naman nila ako nabibigyan ng pansin. Handa silang isakripisyo ang lahat , masuportahan lang ako sa aking mga pangangailangan. At syempre hinding hindi ko malilimutan ang ating Panginoon, na gumagabay sa lahat ng daang aking tinatahak at tatahakin.
           

Ang aking pagtatapos sa sekundarya ay regalo ko sa aking pamilya. Sa wakas, makakamit ko na rin ang aking pinakahihintay. Ang lahat ng hirap at pagod ay mapapawi na dahil sa isang diplomang aking matatanggap. Labis na galak ang aking nararamdaman dahil ilang buwan na lang ay magsisimula na aking buhay bilang isang kolehiyala. 

Saturday, January 10, 2015

Yuletide

So Hi J It’s me again. Say Hi to another chapter of our lives. And now I am here to tell you about how I spent my Christmas vacation and my new-year countdown.
Okay. Here it is. Well, for me Christmas is what many have said it’s the birth of our Jesus Christ. Christmas is the time to think of Jesus Christ as a baby in a manger.
Eto na talaga yun start. I celebrated Christmas with my family, of course, they won’t allow me to go anywhere without them because they say that the spirit of Christmas came from a complete and a healthy family.

Not going anywhere on Christmas break is quite boring? It’s not just “quite boring”, it’s definitely boring. That’s why I really would like to thank my parents because they were so great to me. To be honest, first time ko magcarol ^__^. It was really a great bond with my classmate. Some say that were too old for this kind of thing but I don’t care about what they want to say, it’s our way of enjoying our Christmas break as a teen agerJ.

The day before Christmas, I feel so excited. No, actually it is my tummy. Because my tummy is aware that anytime it will be full. HAHA.
That day all of the people were so busy and I’m just there, waiting for someone to pick me up in the house to go somewhere. But to my surprise, no one just did. But it is okay, I just give all of my attention to my youngest brother.

December 25.

First thing I did is to open my phone. And then I turned it off again because I’m flooded with all of their “Merry Christmas”. But that doesn’t mean that I ignored them, well every message touch my heart even if it’s just a simple greetings. It’s considered as an effort.
I end the day with a smile. For I am so blessed that every people are so happy, they all cherish the moments.  
Every yuletide is really unforgettable for me, though this is the first time that my lolo is not here with us. But in our hearts his alive and I know that he’s smilingly watching us.