Playlist
Sunday, January 25, 2015
Sa Aking Pagtatapos
Ang
araw ng pagtatapos ay ang araw kung saan binibigyang parangal ang mga
estudyanteng maluwalhating nakapagtapos sa pag-aaral. Ito ay pagpapatunay ng
kanilang napagtagumpayan sa loob ng ilang taon ng pagsisikap at pagbubunyi. Ito
ay masaya dahil sa wakas makikita na rin ang bunga ng ilang taong paghihirap at
pagsisikap sa pag-aaral. Ang araw na iyon ay simula ng panibagong kabanata sa
buhay ng isang mag-aaral tungo sa mas malawak pang karanasan. Kaya bilang isang
mag-aaral, magiging isang napakagandang karanasan para sa akin ang makapagtapos
sa sekundarya.
Sa pagtatapos ng aking paglalakbay sa
sekundarya, hindi ko maiiwasan ang mapaisip kung anong klaseng buhay ang
naghihintay sa akin sa kolehiyo. Kahit ako man ay nagagalak at nasasabik sa
pagkakataong ito. Parang hindi pa rin ako handa.Sa apat na taon,
natuklasan ko ang kagandahan o importansya ng pag-aaral. Kasama ng saya, hirap
at mga pagsubok sa buhay ng isang mag-aaral. Masarap balikan ang mga panahong
inilagi ko sa apat na sulok ng aking paaralan. Mga karanasan kung saan napabuti
ako at napasama ay nagdulot pa din ng matinding pagbabago sa buhay ko. Sa
pamamalagi ko dito nakasalumuha ko ang halos lahat ng estudyante. May kanya
kanya silang katangian, iba’t iba kami ngunit nagbuklod kami bilang isang
magkakaibigan.Kung iisipin;Ilang beses na ba kong tumawa, nadapa at bumangon sa
loob ng apat na taon? Ilang beses na ba kong napahiya sa harap ng maraming tao?
Ilang beses ba kong napagalitan ng mga teachers ko? Ilang pad ba ng
intermediate paper ang binili at pinamigay ko lang sa mga kaklase kong di
marunong magdala ng papel? Ilang beses ba kong nangopya at nagpakopya tuwing
may quiz at seatwork kami? Ilang kaklase ko din kaya ang aking napagtripan,
nagalit at natuwa sa ginawa ko? Ilang beses na din ba kaming magpasa ng late na
project? Ilang beses na din ba kaming hindi gumawa ng takdang- aralin?
Napakarami ko nga talagang nagawang kalokohan. Ito ay iilan lamang sa Mga
karanasang tumulong sa akin para matutong lumaban at ipagtanggol ang mga ilang
prinsipyo ko sa buhay.
Natuto
akong magpahalaga ng mga taong karapat-dapat sa pagpapahalaga ko. Natuto akong makipaglaban
at makipagaway para sa mga taong tinuturing kong kaibigan. Minsan naiisip ko
kung ilang klase ba ng pagkatao ko ang naipakita ko sa mga taong nakasalamuha
ko sa loob ng apat na taon. Aminado naman ako na may mga tao akong nasaktan sa
mga panahong iyon. Mga taong nagawan ko ng kasalanan. Di naman maiiwasan ang
pag-aaway sa buhay ng isang estudyante di ba? Dahil para sakin ang mga
naranasan naming pag aaway ay ang pagsubok sa katatagan naming bilang isang
magkaibigan. Sa ilang taon ko dito, aminado akong nagkaroon ako ng mga
mabubuting kaibigan na palaging nakasuporta sakin. Mga kaibigang handang
ipaintindi ang mga bagay bagay na di ko lubos maintindihan.
Ang
rurok ng aking pagtatagumpay ay utang ko sa mga taong nagbigay importansya sa
akin. Katulad ng aking mga guro, na walang pagod at nagtyaga na magturo sa amin
kahit na kami ay sobrang pasaway, ingay, gulo at kulit pero kahit na ganoon
kami ay mahal na mahal namin sila. Napakaswerte namin na magkaroon ng mga
butihing guro na nagging pangalawang ina na namin. Ano na lang kami kung wala
sila? Paniguradong di kami makakapagtapos kung wala sila. Di man sila ang tunay
kong mga magulang pero tinuturing ko sila bilang aking pamilya na gumagabay
sakin araw-araw. Hindi nagsasawang magbigay ng payo kapag kailangan. Isa na rin
sa nagbigay importansya sakin ay ang aking pinakamamahal na pamilya. Hindi ko
man sila nakakasama buong araw ay palagi naman nila ako nabibigyan ng pansin.
Handa silang isakripisyo ang lahat , masuportahan lang ako sa aking mga
pangangailangan. At syempre hinding hindi ko malilimutan ang ating Panginoon,
na gumagabay sa lahat ng daang aking tinatahak at tatahakin.
Ang
aking pagtatapos sa sekundarya ay regalo ko sa aking pamilya. Sa wakas,
makakamit ko na rin ang aking pinakahihintay. Ang lahat ng hirap at pagod ay
mapapawi na dahil sa isang diplomang aking matatanggap. Labis na galak ang aking
nararamdaman dahil ilang buwan na lang ay magsisimula na aking buhay bilang
isang kolehiyala.
Saturday, January 10, 2015
Yuletide
So Hi J It’s
me again. Say Hi to another chapter of our lives. And now I am here to tell you
about how I spent my Christmas vacation and my new-year countdown.
Okay. Here it is. Well, for me Christmas is
what many have said it’s the birth of our Jesus Christ. Christmas is the time
to think of Jesus Christ as a baby in a manger.
Eto na talaga yun start. I celebrated Christmas
with my family, of course, they won’t allow me to go anywhere without them because
they say that the spirit of Christmas came from a complete and a healthy
family.
Not going anywhere on Christmas break is quite
boring? It’s not just “quite boring”, it’s definitely boring. That’s why I really
would like to thank my parents because they were so great to me. To be honest,
first time ko magcarol ^__^. It was really a great bond with my classmate. Some
say that were too old for this kind of thing but I don’t care about what they
want to say, it’s our way of enjoying our Christmas break as a teen agerJ.
The day before Christmas, I feel so excited.
No, actually it is my tummy. Because my tummy is aware that anytime it will be
full. HAHA.
That day all of the people were so busy and I’m just there, waiting for
someone to pick me up in the house to go somewhere. But to my surprise, no one
just did. But it is okay, I just give all of my attention to my youngest
brother.
December 25.
First thing I did is to open my phone. And then
I turned it off again because I’m flooded with all of their “Merry Christmas”.
But that doesn’t mean that I ignored them, well every message touch my heart
even if it’s just a simple greetings. It’s considered as an effort.
I end the day with a smile. For I am so blessed
that every people are so happy, they all cherish the moments.
Every yuletide is really unforgettable for me,
though this is the first time that my lolo is not here with us. But in our
hearts his alive and I know that he’s smilingly watching us.
Subscribe to:
Comments (Atom)





